Asahan na ang paglakas pa ng agriculture sector ng bansa, kasunod ng pagpapasinaya sa kauna-unahang state of the art soil laboratory sa bansa, ngayong araw December 6,2024.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. malaking bagay ang equipment na ito, dahil magbi-bigay ito ng eksaktong assessment at datos sa mga magsasaka, kaugnay sa potensyal ng kanilang lupang sinasaka.
Kaya nitong mag- analyze ng 44 Soil Chemical, Physical at Microbiological, Water Chemical Parameters.
Dito rin magmumula ang impormasyon kung ano ang partikular na kailangan ng lupa, tamang volume ng ilalaang pataba, at patubig, upang yumabong pa.
Ang mobile soil lab ay nagkakahalaga ng P38 million peso na bababa sa Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bulacan, Aurora, at Bataan, at mananatili sa mga probinsya, nang tig-dadalawnag buwan.
Para sa unang isang taon ng operasyon nito, libre ang serbisyo nito sa mga magsasaka.