BACOLOD CITY – Uumpisahan na ng Filipino celebrity DJ at event host na si Chris Rod, ang kauna-unahang Pinoy online radio sa Canada upang maka tulong at magpasaya sa mga kababayan doon na apektado ng Covid-19 Pandemic.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Chris Rod ng Saskatchewan, Canada, bilang bahagi ng pagharap sa new normal ay uumpisahan niya ang pagpapasaya on line dahil hindi na niya magagawa ito sa harap ng maraming tao.

Dagdag pa ni Rod na maraming mga Pilipino sa Canada lalo na sa Saskatchewan ang no work no pay katulad niya at nagpapasalamat sila sa Embahada ng Pilipinas na hindi sila pinababayaan, ngunit hindi nila alam kung kailan tatagal ang Pandemic kaya gumagawa rin sila ng paraan upang kumita parin ng sariling pera.