CENTRAL MINDANAO- Isang 84 anyos na lalaki ang naitalang kauna-kaunahang confirmed positive death sa probinsya ng Cotabato.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health o DOH tracker.
Ang pasyente ay residente ng Barangay Sudapin Kidapawan City.
Ang biktima ay nasawi habang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City.
Base sa tracker, namatay ang pasyente dahil sa iba pang underlying medical condition tulad ng cardiac arrhythmia secondary to hyperkalemia, acute coronary syndrome, Non ST- Elevation myocardial infarction, acute respiratory failure type 1 secondary to community acquired pneumonia at Coronavirus Disease (COVID-19) confirmed critical.
Matatandaang ang travel history ng pasyente ay mula sa tatlong ospital sa Davao City kung kaya’t nanatili pa ring zero local transmission case ang buong probinsya.
Napag-alaman na negatibo rin sa RT- PCR test ang lahat ng mga kamag-anak,pamilya at hospital personnel sa Kidapawan City na nakasalamuha ng namatay na pasyente dahil dito, inalis na rin agad ng City Government of Kidapawan ang focus containment o ‘partial lockdown’ sa Brgy Sudapin kung saan nakatira ang pasyente.
Nagpaalala ang City Health Office sa publiko na sundin ang minimum health protocols sa pag-iwas at pagkakaroon ng COVID-19.