-- Advertisements --

Inanunsyo ni US President Donald Trump na sisimulan na ng Estados Unidos ang pamamahagi ng coronavirus vaccine mula sa Pfizer-BioNTech sa loob ng 24 oras.

Ginawa ng Republican President ang naturang pahayag matapos bigyan ng US Food and Drug Administration ng emergency use authorization ang bakuna ng Pfizer.

Sa pamamagitan umano ng Operation Warp Speed, naglaan ang Trump administration ng $14 billion para pabilisin ang development ng bakuna at kaagad mag-manufacture ang lahat ng top candidates.

Kabilang dito ang halos $2 billion investment sa Pfizer para mag-produce naman ng 100 million doses ng gamot habang may option ito na mag-rpoduce rin ng 500 million karagdagang doses.

“And I’m proud to say that we have made sure that this vaccine will be free for all Americans. Through our partnership with FedEx and UPS, we have already begun shipping the vaccine to every state and zip code in the country,” ani Trump.