Pinangunahan ni US President Donald Trump ang makasaysayang kasunduan sa pagitan ng Israel, United Arab Emiraters (UAE) at Bahrain kung saan tinawag niya pa itong “new dawn” para sa Middle East.

Ibig sabihin lamang nito ay plantsado na ang gusot sa pagitan ng tatlong bansa na matagal na panahon nang may alitan.

Dinaluhan ito nina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at foreign ministers ng Bahrain at UAE ang naturang historic agreement sa pamamagitan ng signing ceremony sa White House.

Daan-daang bisita naman ang dumalo rito kahit may banta pa ng coronavirus pandemic sa Estados Unidos. Naging kapansin-pansin din na walang ceremonial handshakes sa pagitan ng mga nasabing opisyal.

Ang Bahrain at UAE ang kauna-unahang Arab nations na bumuo ng samahan sa Israel simula noong ginawa ito ng Egypt taong 1979 at sinundan naman ng JOrdan noong 1994.

Ayon kay Trump, ang kasunduan na ito ay magsisilbi aniyang pundasyon para sa mas komprehensibong pagkaka-ayos sa buong rehiyon at iba pang bansa.