Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong grave threat na inihain ni ACT-Teacher party-list Representative France Castro laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa resolution na inilabas nitong Enero 9 ni Senior Assistant City Prosecutor Ulric Badiola na hindi sapat ang ebidensiya para sampahan ng kasong grave threats ang dating pangulo.
Hindi rin nakita ng piskalya na seryoso o may pagbabanta sa pahayag ni Duterte sa isang panayam.
Nagbunsod ang kaso ng ihayag ni Duterte sa kaniyang programa sa Sonshine Media Network International noong Oktubre 11 at Nobyembre 6 na binatikos si Castro.
Laman ng batikos ng dating pangulo sa programa nito si Castro dahil sa pagpuna ng mambabatas sa confidential at intelligence fund ni Vice President Sara Duterte.