Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DoJ) ng grave coercion ang mga negosyanteng sina Kazuo Okada, Antonio “Tonyboy” Cojuangco, Dindo Espeleta and Florentino “Binky” Herrera III.
Kasunod na rin ito nang puwersahang takeover ng Okada Manila noong May 31, 2022.
Sa inilbas na resolusyon ng DoJ, nakitaan ng merito ng mga state prosecutors ang reklamo ng ibat ibang mga opisyales ng Tiger Resorts Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI) na nagsasabing binitbit sila palabas ng Okada manila hotel.
Naipadala na rin sa mga abogado ng dalawang partido ang nasabing resolusyon.
Ayon sa DoJ, lumalabas base sa mga nangyari ay ang kalayaan ng complainant na si TRLEI director Hajime Tokuda ay napigilan, subalit hindi naman ito nangangahulugan na kidnapping.
Ang grave coercion batay sa Article 286 of the Revised Penal Code ay ang isang aktibidad kung saan ang isang tao na walang otoridad ng batas, ay binantaan, tinakot o pinagbawalan ang sino man na gawin ang isang bagay, tama man o mali na labag sa kanyang kagustuhan.