Ibinasura ng Department of Justice (DoJ) ang kasong estafa at falsification of documents laban sa apat na personalidad na may kaugnayan sa P906 milyong property sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Batay sa resolusyon na inilabas ng DoJ noong November 22, 2021 walang sapat na ebidensya para patunayan ang mga alegasyon sa mga respondent na sina Erl Masangkay, Rosemarie Solema, Prescilla Sanga at Noel Banzuelo.
Bigo rin umano ang complainant na magpakita ng ebidensiya na may kinalaman ang apat sa mga paratang.
Sina Masangkay, Solema, Sanga at Banzuelo ay isinangkot at pinaratangan na nagpanggap na mga broker at gumamit ng pekeng pangalan upang makakuha umano ng pera.
Biigo naman itong patunayan ng complainant dahilan upang tuluyang ibasura ng piskalya ang kaso.