(Update) DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman kung may kaugnayan sa investment scam ang pagpatay sa isang coodinator nang tinaguriang Gambaru sa Tagum City.

Una nang nangyari ang insidente sa Esmeralda, Apokon, Tagum City kung saan pinagbabaril ang biktima at asawa nito habang naghahapunan sa kanilang bahay.

Nakilala ang biktima na si Gilbert Payan, 44, residente sa nasabing lugar kung saan agad itong nalagutan ng kanyang buhay samantalang sugatan naman sa kanyang braso ang asawa nitong si Analiza.

Matapos ang ginawang krimen, agad naman na tumakas ang suspek.

Narekober sa crime scene ang tatlong mga basyo ng .45 caliber pistol.

Iimbestigahan na rin ng otoridad ang iba pang motibo ng krimen.