Nakatakda nang desisyunan ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kaso ni Supt. Maria Cristina Nobleza bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Ayon kay PNP-IAS inspector general Atty. Alfegar Traiambulo, sa darating na Biyernes, isasampa na ang kaso at sa susunod na linggo naman pagsusumitehin si Nobleza na counter affidavit nito.
Pahayag ni Triambulo na nakasentro sa conduct unbecoming of an officer ang kasong administratibong isasampa laban kay Nobleza dahil sa kaugnayan niya kay Abu Sayyaf bomb expert Reenour Lou Dungon.
Aminado naman si Triambulo na malaki ang posibilidad na tuluyan nang masibak sa serbisyo si Nobleza dahil sa bigat ng kasong kinakaharap na konektado sa bandidong grupo.
Sinabi ni Triambulo na kapag naisumite na nila sa PNP chief ang kanilang hatol laban kay Nobleza, agad naman niya itong pipirmahan.