-- Advertisements --
image 313

Sumampa na sa kabuuang 28 ang naitalang kaso ng Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus sa buong bansa matapos na madagdagan pa ito ng 17 bagong kaso.

Batay sa latest COVID-19 biosurveillance report ng Department of Health (DOH), nasa 7 sa bagong kaso ng Arcturus ay nadetect sa Western Visayas, 5 sa Davao Region, 2 sa Metro Manila at tig-isa naman sa Bicol, Central Visayas at Mimaropa.

Una ng sinabi ng DOH na ang naturang strain ng COVID-19 ay kayang labanan ang immunity at lumalabas na mas nakakahawa kumpara sa mga naunang variants.

Ang XBB.1.16 ay descendant lineage ng XBB na recombinant ng dalawang BA.2 descendant lineages.

Iniuri ito ng World Health Organization bilang variant of interes (VOI) dahil sa paglaganap nito sa mahigit 30 mga bansa.