-- Advertisements --

Pumalo na sa 70,000 ang bilang ng kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Ayon sa World Health Organization (WHO) na ang kaso noong nakaraang linggo ay tumaas sa ibang bansa sa America.

Hindi rin aniya dapat pakampante ang mga tao kahit na bumababa na ang kaso ng monkeypox sa iba’t-ibang bansa.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na mayroong 26 katao na ang nasawi matapos dapuan ng nasabing virus.

Sa kanilang pagtaya ay patuloy ang pagbaba ng nasabing kaso sa mundo.