-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Umakyat na sa dalawa ang naitalang kaso ng monkeypox sa Japan.
Ayon kay Bombo International Correspondent Josel Palma ng Japan, kahit na parehong sa Tokyo nadiskubre ang mga kaso, ngunit itinatanggi ng pamahalaan na close contact ng unang kaso ang ikalawang pasyente.
Sinasabing nakaramdan ang 30 anyos na pasyente ng lagnat, pagsakit ng ulo, pangangati, at pananamlay.
Nagmula ito sa bahagi ng North o Central America na dumating sa bansa ngayong Hulyo.
Kasakuluyang nagpapagaling umano sa ospital at nasa maayos nang kalagayan ang pasyente.
Sinabi ni Tokyo Governor Yuriko Koike nagkaroon na ng pagpupulong ang National Governors’ Association upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.