-- Advertisements --

Tumaas ang kaso ng leptospirosis sa bansa ng 15% mula noong buwan ng Enero hanggang Agosto 20 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Department of Health, nakapagatala ng kabuuang 1,467 leptospirosis cases na mas mataas kumpara sa 1,278 cases na naitala sa kaparehong period noong nakalipas na taon.

Nasa kabuuang 205 na dinapuan ng leptospirosis ang namatay nationwide.

Noong Enero, 14 ang naitalang nasawi, 11 noong Pebrero, 23 noong Marso, 32 noong Abril, tig-29 noong Mayo at hunyo , 53 noong Hulyo at 14 noong Agosto.

Karamihan sa mga dinapuan ng sakit ay mula sa National Capital Region, Cagayan Valley at Western Visayas.

Ayon sa DOH, nalagpasan ang alert at epidemic threshold sa nakalipas na four morbidity weeks sa leptospirosis sa mga lugar sa Bicol region, Central Visayas, Eastern Visayas, at Davao region.

Bagamat wala namang naitalang clustering ng mga kaso ng leptospirosis sa bansa.