Ibinida ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng kaso ng krimen sa bansa tuwing holiday season.
Batay sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), umabot sa halos 200,000 ang krimeng naitala sa Pilipinas mula September hanggang December 2016.
Pero bumaba ito sa higit 150,000 noong parehong mga buwan ng 2017.
Tumaas din ito ng bahagya noong nakaraang taon sa higit 160,000 na kaso.
Ayon kay PNP chief police Gen. Oscar Albayalde, resulta ito dahil sa pinaigting na police visibility, anti-illegal drugs operations, at intelligence gathering.
“In the past three years, medyo na-break na ‘yung trend na ‘yun na pag Ber months ay tumataas ang crime incidents particularly here in Metro Manila,” pahayag ni Gen. Albayalde.
Ngayong 2019, nasa higit 300,00 na ang kaso ng krimen mula Enero hanggang Agosto.
“For now, we have broken this trend. The idea of increased crime volume during ‘ber’ months is slowly becoming a thing of the past,” wika ni Albayalde.