-- Advertisements --
Inanunsyo ng DOH na ang mga kaso ng influenza at COVID-19 ay tumataas dahil sa “weather transitions” mula tag-araw patungong tag-ulan.
Sa isang pahayag, ipinaliwanag ng DOH ang mga nakakahawang sakit tulad ng influenza at COVID-19 ay inaasahang tataas sa panahon ng tag-ulan at mas malamig na buwan.
Ayon sa DOH, mula noong Agosto, bahagyang tumaas ang mga kaso ng COVID-19 na may average na 172 bagong kaso na naiulat bawat araw.
Noong Setyembre 16, 134,637 na kaso ng influenza-like illness (ILI) ang naiulat sa buong bansa.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na magsagawa ng individual assessments kung kinakailangan upang maiwasan ang pagkalat ng communicable respiratory diseases.