Inaasahang papalo sa lagpas kalahating milyon ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas sa 6 na taon ayon sa Department of Health (DOH).
Iniulat ni Health spokesperson Dr. Eric Tayag na nakakapagtala ang PH ng 50 bagong kaso ng HIV kada araw habang ang kasalukuyang bilang ng nagpopositibong indibidwal sa HIV sa bansa ay pumalo na sa 185,000.
Iniugnay ng opisyal ang mataas na bilang ng kaso sa nasabing sakit sa pagusbong ng social media kung saan naghahanap aniya ng kanilang sexual partner at pag-aatubili na masuri para sa HIV kung saan nasa 40% lamang ang test rate para nasabing virus.
Mayorya din ng kaso ng HIV sa PH ay kabilang sa age group na 25 hanggang 34 anyos habang tumataas naman ang kaso sa mga edad sa pagitan ng 15 at 24 anyos.
Samantalan, naglunsad naman ang DOH ng information campaign para mahikayat ang publiko na bisitahin ang kanilang testing at treatment hubs para mapigilan ang hawaan ng HIV.