-- Advertisements --
image 182

Mas lomobo pa ang kaso ng Kolera sa 282% at nagtala ng 5,860 kaso mula January hanggang November 26 ngayong taon.

Mas mataas ito kaysa sa naitala sa parehong panahon noong 2021.

Ayon sa Department of Health mula Enero 1 hanggang Nobyembre 26, 2021, mayroon lamang 1,534 na kaso ng kolera sa bansa.

Lumabas din sa data surveillance ng Department of Health Epidemiology Bureau na ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso ng kolera sa parehong panahon ay ang Eastern Visayas na nasa 3,620 (62%).

Sumunod ay ang Davao Region na may 810 kaso (14%), at pagkatapos ay Central Luzon na may 336 kaso (6%).

Samantala, mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 26 lamang, mayroong 640 kaso ng kolera ang naitala.

Nanguna ang Eastern Visayas sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso ng kolera kamakailan sa 472 (74%).

Sinundan ito ng Western Visayas na may 50 kaso (8%), at Central Luzon na may 37 kaso (6%).

Ang bilang ng mga namatay sa buong bansa dahil sa kolera ay tumalon din sa 67, na naglagay ng 1.1% na kaso ng pagkamatay.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng ahensya na wala pang lokal na pamahalaan ang nagdeklara ng cholera outbreak dahil nananatiling “manageable” ang mga kaso dahil sa koordinasyon ng mga ospital at DOH sa pagsubaybay at paggamot sa mga pasyente.