-- Advertisements --
cholera

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) na pagtaas ng kaso ng cholera sa bansa simula Enero hanggang Agosto sa nakaraang taon.

Ito aniya ay dahil sa mga sunod-sunod na pagpasok ng bagyo at malalakas na pag-ulan sa bansa dahilan kung bakit nakapagtala ang kagawaran ng nasa higit 3,600 ang Cholera cases na naitala sa bansa as of September 17.

Karamihan sa mga bagong kaso ay nagmula sa Eastern Visayas (276), sinundan ng Central Luzon (20), at Western Visayas (15).

Ipinaliwanag ni Infectious Diseases Expert Dr. Mary Ann Bunyi, na dahil sa mga sama ng panahon kaya napipilitang magsilikas ang mga Pilipino mula sa kanilang mga tahanan.

Posible aniya, na ang nalilipatan ng mga ito ay iyong mga komunidad na walang maaayos na istruktura para sa malinis na inuming tubig, lalo at ang cholera ay nakukuha sa pag-inom ng maraming tubig o pagkain ng kontaminadong pagkain.