LAOAG CITY – Isinampa na ang kaso laban sa mag-asawang sina SFO1 Charlie Balanay Simisim at misis nitong si Ethel Jay Alamon Simisim.

Si Simisim ay naaktuhang uminom habang naka-duty kasama si SFO1 Victor Apostol Caise ng Bureau of Fire Protection (BFP) Laoag noong Mayo 21, 2020.

Nakita mismo ni Fire Chief Insp. Roxane Parado, fire marshal ang dalawa na umiinom ng alak sa finance section ng kanilang opisina.

Nasangkot ang asawa ni Simisim dahil nagtungo ito ng BFP kinabukasan upang kuwestiyonin ang paraan ng pagbibigay ng disiplina ni Parado sa kanyang personnel.

Pumalag din si SFO1 Simisim at inireklamo ang fire marshal dahil biktima umano siya ng physical injury at unjust vexation ngunit pinabulaanan ito ng kanilang hepe.