-- Advertisements --

Ibinasura ng korte sa United Kingdom ang public order offence na inihain laban sa global climate activist na si Greta Thunberg matapos itong mag-protesta sa labas ng oil and gas conference ng nakaraang taon. 

Ayon sa district judge ng lugar, nagsagawa ang mga pulis ng unlawful conditions habang isinasagawa ng grupo ni Thunberg ang protesta sa labas ng isang hotel sa London kung saan nagaganap ang Energy Intelligence Forum. 

Sa isang online post, sinabi ni Thunberg na dapat alalahanin kung sino ang totoong kalaban sa gitna ng patuloy na panggigipit sa mga environmental at human rights activists sa buong mundo kung saan ang iba ay kinukulong pa. 

Ayon naman sa isang environmental group, itinuturing nila itong pagkapanalo sa karapatan nilang mag-protesta subalit hindi dapat umano baliwalain ang mga climate activists na ginigipit dahil sa mapayapa nitong pagsasagawa ng kanilang karapatang magpahayag habang ang malalaking kompanya ng langis ay kumikita umano ng bilyon-bilyon sa pagsira ng kalikasan.