-- Advertisements --

Maaring isang buwan lamang aabutin o sa katapusan ng Enero ay matigil na ang surge ng COVID-19 cases na nararanasan ngayon ng Pilipinas, ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Ayon kay David, sa South Africa, mas mataas ang COVID-19 spike dahil sa Omicron variant kung ikukumpara sa naitala noong nagkaroon ng surge dahil naman sa Delta variant.

Tumagal lamang aniya doon ang Omicron variant surge ng isang buwan, bagay na nakikita rin nilang posibleng mangyari sa Pilipinas.

Pero paglilinaw ni David na wala pang katiyakan talaga sa tantiya nilang ito dahil posibleng iba rin naman ang magiging sitwasyon sa Pilipinas kalaunan.

Nauna nang sinabi ng Department of Heath na muli ay nasa ilalim na naman ang Pilipinas ng “high risk” category para sa COVID-19.