Hindi napigilan ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) ang pag-iisang dibdib ng showbiz couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Sa Instagram, ibinahagi ng newly-wed couple ang mga larawan ng kanilang “very intimate” wedding, na dinaluhan ng maliit na bilang ng mga guests.

Tampok din sa mga larawan ang kanilang unang kiss bilang mag-asawa.

“I have you and it’s enough. It’s everything,” saad sa kanilang mga posts.

Una nang inanunsyo ng mag-asawa na napagpasyahan nilang ipagpaliban ang kanilang kasal dahil ayaw nilang ilagay sa panganib na dulot ng COVID-19 ang mga dadalo sa seremonya.