-- Advertisements --
Ipinagpaliban na muna nina JC De Vera at fiancee nitong si Rikkah Cruz ang kanilang kasal.
Nakatakda sana ang nasabing kasal sa Oktubre 10, 2020 subalit dahil a coronavirus pandemic ay nagpasya ang mga ito na gawin ito sa susunod na taon.
Naging bukas sa publiko ang dalawa sa kanilang pagpapakasal kung saan noong Pebrero ay ibinahagi nila ang kanilang prenup photos na ginanap pa sa makasaysayang Jones Bridge sa Sta. Cruz, Maynila.
Biniyayaan ang dalawa ng isang anak na babae noong 2018 kung saan balak din ng actor na imbes na maging flower ay gawin niya itong bride na sabay magmartsa kasama nilang mag-asawa.