-- Advertisements --

Aabutin pa ng hanggang tatlong buwan bago tuluyang gumaling mula sa kaniyang operasyon sa beywang ng NBA legend na si Kareem Abdul-Jabbar.

Sinabi ng kaniyang business partner at tagapagsalita na si Deborah Morales, na walang anumang nakitang kumplikasyon ng ito ay operahan.

Natamo ng 76-anyos na ang injury ng ito ay mahulog habang dumadalo sa Manhattan Transfer’s concert sa Disney Concert Hall sa Los Angeles.

Dinala agad ng mga paramedics ang dating Los Angeles Lakers star player sa Ronald Reagan UCLA Medical Center.

Ang seven-foot-2 center ng Lakers ay pangunahing susi sa pangunguna ng koponan para makuha ang limang kampeonato.

Taong 2020 ng ibunyag niya na mayroon siyang prostate cancert at noog 2009 ay na-diagnoses na siya ng chronic myeloid leukemia na isang uri ng cancer sa dugo.