-- Advertisements --

Posibleng maantala ang inaasahang landfall ng tropical storm Karding sa Northern Luzon.

Ito’y bunsod ng mabagal na pag-usad ng bagyo sa nakalipas na mga oras.

Mula sa dating Sabado na landfall, maaaring sa linggo na ito tumama sa lupa.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,000 km sa silangan ng Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, maaari namang ulanin ang mga residente ng Southern at Central Luzon, pati na ang Visayas dahil sa habagat na pinaiigting ng umiiral na bagyo.