Itinuturing ni Senator Robin Padilla na isang spiritual journey ang naging karanasan nito sa pagsama sa Suroy-suroy Sugbo nitong weekend sa isla ng Camotes.
Ayon pa kay Senator Padilla na malinaw umanong nagpapalakas sa espiritu ang balikan ang pinagmulan at yaman ng kalikasan maging ang kasaysayan at kultura ng bansa.
Idinagdag pa ng opisyal na wag kailanman bibitawan ang pagmamahal sa kultura lalo na sa paggamit ng sining dahil aniya, ang bansang mayaman sa kultura, ay yun ang pinakamayaman na bansa.
Kaugnay nito, nais pa niyang dalhin ang Suroy-suroy experience sa kanyang lalawigan at handang pondohan ng kanyang tanggapan para maisakatuparan ito.
Samantala, humanga naman ang senador sa tapang ni Cebu Gov. Gwen Garcia at ipinaglaban ang kapakanan ng probinsya.
Marapat pa umanong ipagmalaki ng mga Cebuano si Garcia dahil sa mga nagawa nito lalo na ang matagumpay na paglaban sa salot na dulot ng pandemya.