-- Advertisements --
Mangangailangan ang Commission on Elections ng karagdagang P13 bilyong pondo para sa charter change referendum.
Kung kayat ayon sa poll body maaaring makaranas ng financial crisis kung maisusulong ngayong taon ang naturang national referendum.
Mainam aniya na idaos na lamang ang referendum para sa charter change sa 2026 kapag na natapos na ang 2025 midterm elections.
Sa kabatiran ng publiko, ang referendum ay ang kapangyarihan ng mga botante na aprubahan o tanggihan ang isang batas sa pamamagitan ng isang halalan.
Samantala, ayon sa poll body, nasa 884 lungsod at munisipalidad ang nakatanggap na ng ilang pahinang lagda para sa people’s initiative para amyendahan ang 1987 Constitution.