-- Advertisements --
image 582

Magbibigay ang gobyerno ng Amerika ng karagdagang P10 million o USD183,700 assistance para sa pagtugon sa oil spill at environmental assessment sa Oriental Mindoro.

Ayon sa US Embassy sa Maynila na gagamitin ang naturang assistance para sanayin ang mga mangingisda na nahinto sa kanilang kabuhayan dahil sa fishing ban kasabay ng isinasagawang coastal assessments sa probinsiya.

Magsasagawa rin ang US Agency for International Development (USAID) ng assessment at imomonitor ang impact ng oil spill sa coastal communities sa Verde Island Passage.

Una ng ipinasakamay ng USAID ang unang batch ng pesonal protective equipment, hygiene kits at spill cleaning supplies kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor.