Inihahanda ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng karagdagang kaso ng vote buying may kinalaman sa nagdaang Barangay at SK elections.
Base sa pinakabagong report, nakatanggap ang Kontra Bigay Task Force ng kabuuang 183 reklamo ng vote buying kung saan 27 dito ay pormal ng naihain habang ang 100 naman ay isinasailalim pa sa evaluation.
Binigyang diin ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr. na batid ng poll body ang mga ulat ng vote buying kabilang na ang mga nagmula sa media.
Subalit may report ng vote buying ang inaantay pa na maihain ang formal complaint o sinusuri pa kung may sapat na ebideisya para maghain ng case motu propio.
Aniya, maaari pa ring maghain ng election offenses ang Comelec laban sa mga sangkot kahit pagkatapos ng aktwal na halalan.
Samantala, humaharap naman sa posibleng election offense charges ang isang alkalde sa Bicol region.
Maliban dito, inihahanda na rin ng Comelec ang legal suit laban sa mga nasa likod ng pagkaantala sa pagdaraos ng halalan sa 5 barangay sa Lanao del Sur.