Nangako ang Department of Social Welfare and Development na tutugunan ang request ng Region 1 na karagdagang mga family food packs para sa isinasagawang relief operation.
Sa kasalukuyan kasi ay humihingi ang mga Local Government Units mula sa nasabing rehiyon ng kabuuang 7,279 na family food packs na ipamimigay sa mga residenteng apektado ng pagbaha, at nasiraan ng mga kabahayan at mga pananim.
Sa kasalukuyan, nakapagpadala na ang Central office ng hanggang sa limandaang mga FFP sa Ilocos Sur, habang isinasapinal na rin umano ang pagdadala pa ng karagdagang mga food packs.
Nauna na ring dumating ang mga ipinadala ng Kagawaran na food packs sa iba pang apektadong rehiyon sa Hilagang Luzon, katulad ng Cordillera at Cagayan valley.
Maalalang una nang iniulat kagawaran na humigit kumulang 350,000 katao na ang apektado pagdaan ng bagyong Egay na dating nasa kategorya ng isang supertyphoon.
Maaari din umanong lalo pang tataas ang nasabing bilang habang nagpapatuloy pa rin umano ang pagbaha at malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.