-- Advertisements --

Mas marami pang bus stops ang abubuksan sa kahabaan ng Edsa pagsapit ng Hunyo 21, ayon sa MMDA.

Pero sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa isang panayam na hindi pa nila natutukoy kung aling bus stops ang kanilang bubuksan.

Sa ngayon, ang mga public utility buses sa Edsa ay pinapahintulutan lamang magsakay at magbaba ng pasahero sa piling bus stops sa North Avenue, Quezon Avenue, Ayala Avenue, at Taft Avenue.

Sinabi ni Garcia na maraming trabaho ang kailangan nilang tapusin para makapagtatag ng bus stops sa middle island ng Edsa matapos na inilaan ng MMDA ang dalawang innermost (left) lanes para sa mga bus.

Hindi aniya nila ito natapos kaagad ang pagtatag ng mga bus stops dahil pinayagan lamang ang construction noong isinailalim na sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.