CAUAYAN CITY- Sa ilalim ng Republic Act 11882 ay gagawin nang 500 bed capacity mula sa 100 capacity ng Isabela Provincial Hospital.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Cong. Tonypet Albano ng 1st District ng Isabela sinabi niya na ang pagkakaroon ng kragdagang bed capacity ng panlalawigang pagamutan ay popondohan na sa 2023
Sa ngayon ay dapat planuhin kung paano magkakaroon ng Architectural Plan ang pagamutan para sa pagpapaganda at pagdagdag ng bed capacity.
Maliban rito ay kailangan ring mapaganda ang mga pasilidad at serbisyong maipagkakaloob ng pagamutan, kakailangan ring magkaroon ng karadagang health workers na mangangailangan ng masusing pagpaplano.
Matatandaang taong 2019 ng unang ihain ni Kinatawan Albano ang naturang panukalang batas na magdadagdag ng bed capacity ng Isabela provincial Hospital at makalipas ang tatlong taon ay tuluyan itong naisabatas sa ilalim ng 18th Congress.










