-- Advertisements --
MWSS water

Inaprubahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang 52 cubic meters per second (cms) dagdag na alokasyon ng tubig na hiling ng Maynilad Water Services Inc. at Manila Water.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Leonor Cleofas na magiging epektibo ang karagdagang alokasyon simula sa susunod na buwan.

Ang dagdag na alokasyon ay mapupunta sa Maynilad dahil walang problema sa suplay ng tubig ang Manila Water.

Ayon pa sa opisyal na paghahatian ng dalawang water concessionaire ang 50cms allocation na nauna ng iginawad ng NWRB.

Saad ni Cleofas na ang dagdag na water allocation ay para matugunan ang araw-araw na water interruption na nararanasan ng mga residenteng sinusuplayan ng Maynilad.

Sinabi naman ni NWRB executive director Sevillo David Jr. na makakatulong ang water allocation upang makarekober ang La Mesa Dam at Ipo Dam sa mas komportableng lebel at matugunan ang ilang isyu sa suplay ng tubig sa Metro Manila.