Nasa kabuuang 207,090 doses ng Pfizer Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na binili ng pamahalaan ang dumating na sa Pilipinas kagabi.
Ang Pfizer vaccine ay dumating bago mag-alas-9:00 kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa, ang naturang batch ng mga bakuna ay gagamitin para bakunahan ang mga kabataang may edad 12 hanggang 17.
“Pfizer and Moderna are the two vaccine brands that are approved for 12 years old and up. We will be using it for our adolescent children’s vaccination,” ani Herbosa.
Ang naturang mga bakuna ay para raw sa Cebu at Davao City.
Kuna maalala ang pilot run sa pagbabakuna sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17-anyos na mayroong comorbidities ay isinagawa noong Biyernes, Oktubre 15.
Samantala, kahapon ng hapon din nang dumating din sa bansa ang 720,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine.
Dahil sa mga dumating na bagaong batch ng bakuna ay nasa 92 million doses na ng bakuna ang nai-deliver sa Pilipinas mula noong buwan ng Pebrero.