Nakauwi na sa Pilipinas ang 12 pang Pilipino na naipit sa giyera sa pagitan ng Israel Defense Forces at militanteng Hezbollah na kaalyado ng Palestinian militant group na Hamas sa Gaza.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA0 na ang 12 distressed Filipinos ay binubuo ng 9 na permanent residents ng Lebanon, 1 overseas Filipino workers na nananatili sa Migrant worker’s office shelter kasama ang 1 preso na kakalaya lamang kamakailan.
Ayon sa DFA, karamihan sa mga repatriates ay nakatira sa Saida at Nabatiyeh, mga lugar na malapit sa katimugang border ng Lebanon at israel kung saan nangyayari ang palitan ng airstrikes at artillery fire sa pagitan ng magkabilang panig.
Tiniyak naman ng DFA ang patuloy ng pagmonitor sa sitwasyon sa Lebanon at pagbibigay ng safety measures at abiso sa mga Pilipino doon.