-- Advertisements --
Karagdagang 1 million doses ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccines na gawa ng China ang dumating sa bansa ngayong araw.
Lulan ng Cebu Pacific flight, dumating ang bagong batch ng Sinovac kaninang alas-7:40 ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport.
Sinalubong ito ni Health Secretary Francisco Duque III.
Kahapon, Hulyo 29, aabot naman sa 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang dumating din sa Pilipinas.
Dahil sa mga ito, kasalukuyang 33.8 million COVID-19 vaccine doses na ang nakarating sa Pilipinas simula noong Pebrero.
















