-- Advertisements --

Nagkasundo na maglaban sina daitng three-division champion Naoya Inoue at reigning WBC and WBO world super bantamweight champion Stephen Fulton.

Itinakda ang laban sa 122 pond world championship subalit inaayos pa nila ang petsa at lugar kung saan ito gaganapin.

Ang Japanese superstar ng si Inoue ay mayroong 24 panalo at wala pang talo na mayroong 21 knockouts.

Kamakailan ay binakante nito ang kaniyang WBC, WBA, WBO at IBF world bantamweight titles dahil sa nais nitong umakyat ng 122 pounds.

Habang si Fulton ay mayroong 21 panalo at wala pang talo na mayroong walong knockouts.

Huling laban nito ay noong nakaraang taon sa pamamagitan ng unanimous decision kontra kay Daniel Roman.