-- Advertisements --

Nakahanda na ang mga kapulisan ng Los Angeles na arestuhin ang actor na si Will Smith dahil sa ginawa nitong pananampal kay Chris Rock sa Oscars award.

Ayon sa ceremony producer na si Will Packer na nilapitan ng mga kapulisan si Rock at tinanong kung aarestuhin ba nila si Smith.

Subalit pinigilan na ito ni Rock at hindi na rin aniya nito pinatulan.

Dagdag pa ng mga kapulisan na maari nila itong arestuhin at maaring kasuhan ito ni Rock.

Magugunitang humingi na ng paumanhin si Smith dahil sa ginawa nito kay Rock.

Nagbunsod ang pananampal ni Smith ng biruin ito ang asawang si Jada.