-- Advertisements --

Pinaghahanap na ng mga otoridad sa Canada ang mga suspek na nasa likod ng magkakahiwalay na pananaksak sa 13 lugar sa dalawang komunidad ng Saskatchewan province na ikinasawi ng 10 katao.

Dinala rin sa pagamutan ang nasa 15 katao na nagtamo ng sugat sa kani-kanialng mga katawan.

Ayon sa Royal Canadian Mounted police sa Saskatchewan na maaaring ang mga biktima rin ay tinarget ng mga suspek.

Inaalam pang mga otoridad ang naging motibo ng mga suspek sa nasabing insidente.

Patuloy din ang ginagawang paghalughog ng mga kapulisan sa lugar para agad na maaresto ang mga suspek.