-- Advertisements --

Pinalibutan na ng ilang daang mga kapulisan sa border ng Juarez City sa Mexico matapos ang pagsiklab ng riot sa pagitan ng magkaribal na drug cartels.

Nagkaroo kasi ng sagupaan ng mga prison cartel sa pagitan ng group ni Los Chapos ang sikat na “Sinaloa Cartel na pinamumunuan ni Joaquin “El Chapo” Guzman at ang local group na Los Mexicies.

Dahil sa insidente ay aabot na sa 11 katao ang nasawi at apat na iba pa ang sugatan.

Matapos ang insidente ay naganap ang mass shooting sa lungsod na nagresulta sa pagkasawi ng siyam na sibilyan.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang naging sanhi ng nasabing sagupaan ng dalawang grupo.