-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Patay sa pamamaril ang ang isang kapitan nang tambangan ng motorcycle riding in tandem suspek.

Kinilala ni Alabel Municipal Mayor Vic Paul Salarda ang biktima na si Diony Seromenes, 38-anyos na kapitan ng Barangay Kawas, Alabel, Sarangani Province.

Pasado ala-7:00 nang nagresponde si Kapitan Seromenes matapos nabaril-patay ang kanyang barangay tanod na si Salvador Ulog, 59 na residente rin ng lugar.

Kasama umano ng kapitan ang mga pulis ng Alabel para hintayin ang pagdating ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) subalit ginutom umano ang kapitan kayat umuwi.

Sakay sa kanyang motor ang biktima ng malapit na ito sa kanyang bahay pinagbabaril ito ng dalawang suspek at tinamaan sa ulo.

-- Advertisement --

Dagdag ng mayor na dinala pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Ang biktima ay pumalit sa kanilang kapitan matapos naging miyembro ng sanggunian bayan.

Kaagad pumalit sa namatay na kapitan ang pangalawang konsehal.