BOMBO DAGUPAN — Naging masaya.
Ganito isinalarawan ni Bombo International News Correspondent Othman Alvarez ang naging pormal na inagurasyon ni Taiwanese President Lai Ching-Te.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi nito na ang kagandahan sa bagong administrasyon ng Taiwan ay magkasundo ang kanilang Presidente at Bise Presidente.
Aniya na inasahan na noong una pa lamang ang pagkapanalo ni President Lai Ching-Te na lalong napatunayan noong panahon ng eleksyon kung saan ay mabilis itong nanguna sa kanyang mga katunggali.
Saad nito na ang kagandahan pa sa ilalim ng pamumuno ng bagong administrasyon ay ang patuloy na pag-iral ng demokrasya sa bansa.
Maliban dito ay napapanatili rin ng kasalukuyang pamahalaan ang kaayusan at katahimikan sa bansa. Gayon na rin ang pagtaas ng ekonomiya ng Taiwan at muling pagbubukas nito ng maraming trabaho.
Ayon naman sa naging pahayag nito sa publiko, ilan sa mga prayoridad ng bagong Presidente ang pagapanatili ng kapayapaan sa bansa.