-- Advertisements --

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines naang tuluy-tuloy na pagtataguyod ngayon sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Mindanao.

Ito ay kasunod ng pagkasawi ng isa sa mga utak sa likod ng madugong Mindanao State University bombing sa Marawi City na kinilalang si Khadafi Mimbesa a.k.a. “Engineer” sa engkwentro laban sa mga tropa sa Lanao del Sur noong Enero.

Giit ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., hindi magpapatunog ang Hukbong Sandatahan at patuloy nitong isusulong ang pagtataguyod ng kapayapaan sa naturang lalawigan.

Aniya, titiyakin ng kasundaluhan na hindi nito pababayaan ang seguridad ay sa Mindanao at maging sa iba pang bahagi ng buong Pilipinas.

Samantala, kasabay nito ay nanawagan din ang heneral sa mga iba pang mga nalalabing mga lokal na terorista sa bansa na sumuko na sa pamahalaan upang hindi na dumanak pa ang dugo at matulad sa sinapit ng kapalaran ni Mimbesa.

Matatandaang apat na buhay kinitil ng madugong terrorist attack sa MSU na nag-iwan din ng dose-dosenang mga indibidwal na sugatan nang dahil pa rin sa naturang madugong pangbobomba ng mga terorista