-- Advertisements --

Pinasinungalingan ng aktres na si Gela Atayde na buntis ang kaniyang ate na si Ria Atayde.

Ito ay matapos kumalat ang isyu online na kaya umano nag-propose ang boyfriend ni Ria na si Zanjoe Marudo ay dahil nagdadalang-tao ito. 

Ayon kay Gela, hindi pa buntis ang kaniyang ate pero sinusubukan na raw ito ng mag-fiance dahil matagal na rin daw plano ng dalawa na bumuo ng pamilya.

Ibinunyag din ni Gela na mayroong Polycystic Ovary Syndrome o PCOS si Ria kaya isang himala raw nila maituturing sakaling magbuntis na ang kaniyang ate. 

Suportado rin daw ito ng kanilang magulang dahil nasa edad 32 na si Rea kaya medyo kailangan na rin umanong magka-anak.

Sa isang panayam, hindi maitago ni Gela ang saya ng malamang nag-propose na si Zanjoe sa kaniyang ate.

Ibinahagi rin ni Gela na naiyak daw siya noong ipinaalam sa kaniya ang engagement ng dalawa na nangyari lamang sa kwarto ng mag-fiance.  

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay inanunsiyo ni Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa isang online post ang kanilang engagement.