-- Advertisements --
Malungkot na ipinamalita ng singer na si Toni Braxton ang pagpanaw ng kapatid nitong si Traci.
Sa kaniyang social media, sinabi ng singer na pumanaw ang 50-anyos na kapatid matapos ang ilang taon na makikipaglaban sa cancer.
Hindi naman na ito nagbigay ng iba pang detalye sa pagkasawi ng kapatid.
Nanawagan na rin ito sa mga fans na respetuhin ang kanilang privacy.
Si Traci ay kasama sa reality show na “Braxton Family Values” at lumabas din sa mga show gaya ng “There’s a Stranger in my House” at “Chaaw”.
Pumatok din ang kanta nitong “Last Call” kung saan naging top 16 ito sa Billboard Hot 100.
Habang sumikat din ang kanta nitong “Broken Things” kasama ang mga kapatid na sina Toni, Towanda at Trina.










