-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Dead on the spot ang isang magsasaka sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Ricky Rubas Leoncito,36 anyos,may asawa at residente ng Purok 17 Barangay Poblacion President Roxas Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na habang abala ang biktima sa kanyang sakahan ay bigla lang itong nilapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng President Roxas.

-- Advertisement --

Agad binawian ng buhay ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at likod.

Ang biktima ay kapatid ni Alamada Cotabato Chief of Police,Major Sunny Leoncito.

Personal na alitan o awayan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan