-- Advertisements --
Nananatili umanong problema ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nagsisiksikang Persons Deprived of Liberty (PDL) sa mga jail facilities sa bansa.
Ayon kay BJMP Chief Jail Director Alan Iral, sa kasalukuyan, umaabot sa 372 percent ang congestion rate sa 477 na mga pasilidad.
Pagtiyak ni Director Iral na nakahanda pa rin sila kung sakaling dumami muli ang mahuhuling drug personality lalo pa’t inilunsad na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang panibagong anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ng BJMP na welcome para sa kanila ang panukala sa senado na ide-criminalize ang paggamit ng illegal drugs dahil makatutulong itong mabawasan ang congestion rate ng kanilang mga pasilidad.