-- Advertisements --

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte para suspendehin ang Social Security System (SSS) contribution hike.

Sa bilang ng boto ng mga senador na 21, pinaburan ng mga ito status quo ng pangongolekta ng SSS premium sa kanilang mga miyembro.

Pangunahing dahilan ng deferment ang nararanasang krisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Maaari namang ipatupad ang crontribution hike kapag nagbalik na sa normal ang kalagayan ng bansa, kasama na ang trabaho ng karamihang miyembro ng SSS.