KORONADAL CITY – Itinuturing na haram o ipinagbabawal para sa mga Muslim ang pagpasok sa iba’t ibang investment schemes.

Ayon kay Salih Musa, head ng sharia court sa Mindanao, ito ay labag sa turo ni Allah.

Isang uri aniya ng riba o pagpapatubo ang pangakong interest ng mga investment schemes kagaya ng iniaalok ng Kabus Padatuon o KAPA ni Pastor Joel Apolinario na labis naman na ipinagbabawal na gawin ng isang Muslim.

Hindi rin pinapagayagan ang mga Muslim na maging member ng KAPA dahil ito ay religion-based group.

Sinabi ni Musa na ipinagbabawal din sa Islam ang pagpasok sa mga investment schemes na may mataas na interes kada buwan dahil ito ay sinasabing “form of usury.”

Sa ngayon, hinihikayat nito ang kapwa Muslim na sundin ang pangaral ni Allah at iwasan ang iligal na gawain.

Kinondina naman ng Muslim community ang panlolokong ginagawa ng KAPA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here